Hear it is

Syke

“Hear it is” is a series of interviews with musicians, transcribed here as oral histories. We talk about what they do and what they’ve done, and what has changed since they started making music.

We talked about

The craziness of audiences outside Metro Manila
Going international, whether or not you want to
Understanding the lyrics when you’re sad
Why you need to check your online accounts and networks–even when they’re overrun with spam

It was a little awkward when in the middle of another (unrecorded)  conversation, Syke stopped to ask if I knew who he was. Having only vague ideas about local hip hop, my knowledge of who Syke (real name: Michael Dolero) was and what he did came from  when I was still an undergraduate, and I saw him perform a spoken word gig at Baci, formerly encomium. The lyrical and rhythmic elements of Syke’s work left a strong impression, striking that balance between being corrosive and playful that make a song both enjoyable and relevant.

Years later, Miao Olivar would contribute several essays about her love affair with hip hop to The POC and to another online magazine I ran with a few friends, naming Syke and his work among the threads that held the fabric of her own work as a hip hop artist together. 

This conversation was recorded on October 9, 2012.


Hi, I’m Syke, and I’m a visual effects artist and a rapper. I can trace my current taste in music to the first time I heard Tupac’s Me Against the World. Tinitingalaan ko sila Tupac, sila Biggie, sila Common sa ginagawa ko, pero icon pa rin para sa akin si Francis M. Parang anak niya yung mga thoughts ko, yung mga piyesa ko. Hindi naman sa pumaparehas, pero naiinspire ako sa kanila at mas nai-incline ako sa mga ganun na kanta, yung mga matalino.

Siguro dahil yun yung kinalakihan ko na hip hop. Parang yung mga nababasa mo sa tumblr ngayon na “when you’re happy, you enjoy the music; when you’re sad, you understand the lyrics,” sa akin, di ko alam kung mas ramdam ko yung mga madramang kanta. Mas andun ako  sa mga thought provoking kaysa sa mga happy-go-lucky: yung “Life Goes On” ni Tupac, mas pipiliin ko kaysa yung mga parang “Wild and Free” ni Snoop o “Teach me how to Dougie” (Cali Swag District).

The first album I purchased with my own money was Ultraelectromagneticpop by the Eraserheads. Akala ko hip hop sila, dahil naka-bonnet yung isa, yung isa naka Chuck Taylors kaya parang ang cool, at na-amaze lang ako ng sobra kasi hindi ganun yung mga album cover noon: may apat lang na tao, tapos maliit lang sila sa frame, tapos yung isa, nakatanggal yung sapatos.

Tapos nung narinig ko…parang, “Ahhhh…okay lang, sige.” Nung narinig ng kapatid ko, ayun, nasa kanya na. Tapos kapatid ko na din yung bumili ng Circus. Yun din yung time na nag-concert sila sa Iligan – yung pinaka magulong concert na napuntahan ko. Pagbumababa yung ilaw, bumababa din yung mga tao sa bleachers, tapos bubuksan ulit kaya babalik sila, tapos pag papatayin bababa ulit at napupuno yung harap. I never would have thought na lalaki sila ng ganito.

Sinusubukan ko mag drums at keyboard and I can play the guitar—not very well, but I can. Mas nauna ako matuto mag guitar kaysa mag rap: nagsimula ako mag rap 2nd year high school, pero yung guitar, sinimulan ko yan 1st year high school dahil may isang magandang tomboy na nagsabi sa akin na hindi maganda sa lalaki ang hindi marunong mag gitara. Bakasyon yun ng pasko, so pagpasok ko ng January, marunong na ako tumugtog ng “Oh my love” (“Oh my love, my darling…” aka “Unchained Melody”).

Walang internet masyado dati, walang YouTube, walang Fruity Loops. Fruity Loops is a software na ginagamit para gumawa ng beats (siguro meron, pero mahal). Nung panahon ko, recording was Greenhills sound, or a real studio like Hit Productions. Actually nag-tour ako sa buong Pilipinas, which was a one-of-a-kind experience para sa mga taga-doon. Yung dating ng mga foreign acts sa Manila, yun din ang dating ng mga Manila-based artists tuwing pupunta sila ng probinsya. Nung pumunta kami sa Cebu, talagang dinumog kami: talagang pupuntahan ka pag magpeperform ka ng live kasi bihira ka lang nila makita.

Because of the internet, I don’t think audiences care as much about going to the shows. Noon, kung di ka nila kilala, mapapanood ka lang nila sa gig. Ngayon, hahanapin ka na lang nila sa YouTube. Nakakatulong naman ‘to para lumawak yung audience mo at kumalat yung music mo, pero sa totoong buhay, yung interaction ng artist at tao, face-to-face, personalan – wala na masyado ngayon, dahil bihira ka na lang nilang puntahan sa gig. At halos sabay sabay na yung mga gig. Noong panahon ko, meron kaming Blow Up Da Spot! ni Caliph8; kaya noon, talagang dinudumog yon kasi bihira lang yung mga gig ng mga hip hop noon. At nasa iisang lugar lang sila.

Ngayon, sa isang gabi, may event sa Saguijo, sabay may event sa B-Side. Kaya kung saan ka mas malapit, doon ka na. To sum up, mas natututukan at napapagbigyan yung gusto ng mga tao.

Kwento lang: ‘nung time namin, mga ’99 or 2000, mahirap mag press ng CD. Nagpagawa ako ng minus one ko dati sa Hit (Productions), and one blank CD was 500 pesos—tapos cheap pa yon na CD hah. ‘Di ko alam kung magkano ang binayad naming sa Hit para magka-minus one ako, pero ang blank pa nga lang, ganun na ka-mahal.

Ang recording ngayon, kung meron kang track o meron kang gusting sabihin, napakadaling magrecord. So it’s impossible for you not to have material, it’s impossible for you not to make your song. And it’s impossible for you not to share your music with the world.

Nasabi ko ‘to sa tula sa intro ng album ni Gloc 9: “Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko. Keri lang.” Yung ibig kong sabihin doon, if nobody is going to market you and distribute your craft, do it yourself. Hindi naman sa nagdadamot ka sa shares ng kikitain mo, but other people are doing the same thing. Halimbawa, ako, may magpapatulong sa akin na artist, eh kung ako hindi ko magawa para sa sarili ko yon, sa iba pa kaya?

So mas nagiging personal yung mga bagay-bagay: kung may gig ako, ‘dun din ako magbebenta ng mga gawa ko. Hindi naman sa maaawa yung bumibili, mas bibilhin lang nila kasi mas nakikita lang nila yung effort mo. It’s more impressive for a fan to buy something directly from the artist kasi parang nawawala na yung link ng A&R at labels. And usually the label focuses on someone who’s hot, parang, “dito muna tayo, wala munang pakialaman sa iba kasi dito tayo kumikita.”

Hindi naman sa nasusuffocate yung label sa dami ng mga bagong indie at mga bagong acts, pero nakikita ng artists na wala masyadong ginagawa yung label kaya dumadami na yung pinaggagawa nila sa labas ng label. Minsan, kung magkakalabel, baka mas mahal pang makapasok sa gig at mas mahal pa yung merchandise. A 500-peso shirt, baka kung dadaan yan sa marketing at distribution ng label, baka magiging 1,000. Kung ako lang gumawa ng shirt ko at alam kong ginastos ko lang ay 20, baka yung benta ko sa’yo ay 220. Hindi naman sa dinadaya ko ang sarili ko, pero wala nang patong para sa inyo.

Press and publicity now is so easy: if you want to, you can just go worldwide. Maniwala ka doon. Ang dali maging international artist: there’s Radio Republic, there’s YouTube, Twitter, whatever. Ang daming venues at sites kung saan mo pwedeng ilabas yung craft mo. FlipTop artists are the most viewed artists on YouTube—I mean, sa lahat ng battle leagues, sila yung pinaka pinapanood. So ibig sabihin, lahat sila international artists kasi buong mundo agad yung audience nila. Kung may music video kang ginawa, mas malawak yung audience mo kung inilabas mo sa internet kaysa sa intayin mong lumabas sa TV, which is local. Iilang household lang ang meron, at iilang tao lang andun pag lumabas yung video mo.

Napagusapan namin the other day na gusto nila sana magkaroon ng Filipino artist na magiging internationally known , but I think all of our artists are internationally known because of the internet. So napaka dali.

Gusto rin na ang mga gawa sa Filipino (the language – Tagalog) or any other regional language ay lumabas sa ibang bansa: nung panahon naming, ang hirap. Kailangan mo ang publicity galing TV, kailangan mo ang suporta ng local distributor mo para mapadala sa ibang bansa ang recording mo, at ibebenta mo doon. Ang hirap ‘nun. Ngayon, pag Filipino artist ka at may inilabas ka na Filipino music sa internet: kahit anong bansa, hangga’t may Pilipino doon, audience mo na agad yon. In one way or another, may market ka na doon. Yun na yung mga prospects mo.

Actually, kahit ayaw mo maging international, basta may mag-share ng gawa mo, international ka pa rin. Ang saya ‘no? Pwede ka na ma-invite sa ibang bansa. Na-invite na ako, pero yun din yung time na ang daming spam sa MySpace, so ‘di ko siya nabuksan. Nung nabuksan ko siya, may invites galing sa Germany, sa Australia—actually, sa Europe mas madami. Pero late ko na nabasa, so hinayaan ko na lang.


Recorded in Taguig, Metro Manila on October 9, 2012. Duration: 21 mins. The original transcript has been edited.
Illustrated by Gabe Naguiat

2 thoughts on “Syke

  1. Idol pa rin talaga… Syke Dolero! First time kong nakita kita early 2000s naglalakad sa labas ng IIT ng kinausap ka ng clasmmate ko.. dun ko una nalaman na may Syke. Tapos pag college ko dun din lumago lalo ang internet… Kaya madalas kita napakikinggan ngayon.

  2. sir meron ako mga orig lyrics made pwede sa rap. im wondering paano lang ito maibabahagi sa radio? 09083340578 ARGO. pala numero ko ty

Leave a Reply to ARGO Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s